Dagdag na excise tax sa alak at sigarilyo, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa

76

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara panukalang magtataas sa excise tax rates ng mga alcoholic drinks, heated tobacco at vape bansa.

 

Sa botong na 184 YES, 2 NO at 1 ABSTAIN ay nakalusot na sa plenaryo ang House Bill 1026 o ang An Act Amending the National Revenue Code of 1997.


 

Nakasaad sa ipinasang panukala na itaas sa P6.60 ang excise tax na ipinapataw sa mga alak.

 

Kapag naging ganap na batas, simula sa January 2020 magkakaroon ng ad valorem rate na 22% kabilang na ang specific tax rates per proof liter ng P30, P35, P40, P45 mula sa 2020 hanggang 2023 para sa mga distilled spirits at tataas ng 7 percent kada taon simula 2024.

 

Sa kasalukuyang RA 10351 ang mga alak ay mayroong P22.40 specific tax at ad valorem tax na 20%.

 

Inaprubahan din ang P650 unitary rate para sa mga sparkling wines.

 

Samantala, tinaas naman sa P2.10 ang buwis sa mga still at carbonated wines, habang ang may alcohol content na mas mataas sa 14 percent ay may P4.10 na pagtaas.

 

Ang inaprubahang tax rate naman para sa fermented liquors ay tinaas sa P2.60.

 

Papatawan na rin ng buwis ang vape at e-cigarettes products kung saan simula January 1, 2020 ang 10ml na individual cartridge, refill, pod o container ng vapor products ay papatawan ng P10 na buwis at kung lalagpas naman ito sa 50ml ay papatawan naman ng P50 na buwis at karagdagan pang P10 kada additional 10ml.

 

Kapag naging batas ang panukala kikita ang gobyerno ng P17B sa unang taong pagpapatupad nito.

Facebook Comments

From Advertisers