Dagdag na food at medical allowance para sa PDL, isinulong ng isang kongresista

Sinuportahan ni Bicol Saro Party-list Representative Brian Raymund Yamsuan ang hiling ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na madagdagan ang food and medical allowance para sa mga persons deprived of liberty (PDLs) na nakapaloob sa proposed 2025 national budget.

Sa budget hearing na pinangunahan ng House Committee on Appropriations ay binigyang diin ni Yamsuan na hindi sapat ang kasalukuyang P70 na arawang budget para sa pagkain ng mga bilanggo at ang P15 per day na budget sa kailangan nilang gamot.

Pahayag ito ni Yamsuan makaraang hilingin ni BJMP Jail Director Ruel Rivera na itaas sa P100 ang food allowance ng mga PDLs at itaas naman sa P30 ang kanilang medicine allowance.


Ayon kay Yamsuan, ang naturang apela ng BJMP ay suportado rin ng Commission on Human Rights (CHR) sa layuning matiyak ang makataong sitwasyon sa mga bilangguan sa buong bansa na sa kasalukuyan ay overpopulated o siksikan.

Una ring inihain ni Yamsuan ang House Bill 8672 na layuning ilagay sa isang departamento ang BJMP gayundin ang correctional and jail services ng mga provincial governments, kasama din ang Bureau of Corrections (BuCor), Board of Pardons and Parole, at ang Parole and Probation Administration.

Facebook Comments