Dagdag na housing units para sa mga scout ranger, pinupuntirya makamit ng NHA sa 2018

Manila, Philippines – Nasa 1000 na housing units ang inaasahang maitayo para sa mga miyembro ng 1st Scout Ranger Regiment sa Scout Ranger ville sa Barangay Calumpang at Tartaro sa San Miguel, Bulacan.

Ito ang ika sampung housing site ng National Housing Authority para sa mga AFP personnel sa ilalim ng Duterte administration.

Ang proyekto na gagastusan ng 200 million ay para sa 120 square meter na lote at may 44 square meter na floor area.


Inaasahang matapos ito sa December ng 2018.

Facebook Comments