Dagdag na immigration officer, itinalaga para sa pagbubukas ng bagong terminal sa Mactan-Cebu Airport

Cebu City – Nag-deploy ng karagdagang pwersa ang Bureau of Immigration (BI) sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) para sa full operation ng bagong passenger terminal ng paliparan bukas, July 1.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, labing-dalawang immigration officers ang itinalaga niyang mag-ulat sa MCIA para magsagawa ng Immigration Inspection sa mga paparating at papaalis na mga pasahero.

Dahil dito, umaabot na aniya sa kabuuang 112 immigration personnel ang nakatalaga sa Mactan Airport para magsilbi at magproseso sa mga dokumento ng libu-libong pasahero na dumarating at papaalis mula sa nasabing paliparan.


Pero paliwanag ni Morente, plano nilang dagdagan pa ang mga immigration officer sa MCIA sa mga susunod na buwan dahil patuloy pa naman sila sa proseso ng paghahanap ng mga bagong Immigration Personnel.

Inaasahang tataas ang kapasidad ng Mactan-Cebu International Airport sa mahigit 12.5 milyong pasahero bawat taon.

Facebook Comments