MANILA – Mahigit isang buwan matapos ibasura ni Pangulong Aquino ang panukalang 2,000 SSS pension hike, sunod namang inihirit ng mga retirees at manggagawa ang dagdag na isang-libo sa kanilang pensyon.Base sa rekomendasyon – hiniling nila na dagdagan na lang ng isang-libong piso ang lahat ng pensioners na sasabayan ng subsidiya mula sa gobyerno para hindi mabawasan ang SSS fund.Ayon kay Jorge Banal Sr., Presidente ng Federation of Senior Citizen Associations of the Philippines (FSCAP) – malaking tulong na rin umano ang nasabing dagdag para sa pagpapagamot ng mga senior citizen sa bansa.Samantala, hiling naman ng mga manggagawa na itaas ngayong taon ng isang libo ang kanilang pensyon nang wala munang dagdag na kontribusyon.Ayon naman SSS Commissioner Ibarra Malonzo – pwede rin na magdagdag na lamang ng social pension para sa mga benipisyaryo na tumatanggap ng limang-libong pension pababa.Samantala, sa 2017 maaari raw itaas ang kontribusyon sa 1 percent at dagdag na 1 percent ulit sa 2018.Katumbas ito ng dagdag na 33 pesos sa employee at 67 pesos sa employers sa 2017 habang dagdag na 52 pesos naman sa mga manggawa at 107 sa mga employers sa taong 2018.Pero paglilinaw ng kinatawan ng mga senior citizen at mga manggawa rekomendasyon lamang ito at nasa kamay pa rin ng pangulo kung pagbibigyan sila sa kanilang hiling bago tuluyang bumaba sa pwesto sa Hunyo.
Dagdag Na Isang-Libong Pisong Sss Pension – Inihirit Ng Mga Retirees At Manggagawa Kay Pangulong Noynoy Aquino
Facebook Comments