Dagdag na kontribusyon sa SSS, tuloy sa 2021

Tiniyak ng Social Security System (SSS) na tuloy ang kanilang dagdag-kontribusyon sa Enero 2021 sa kabila ng apela ng mga employer at manggagawa.

Ayon kay SSS Chief Actuary Edgar Cruz, magiging 13 porsyento na ang kontribusyon ng mga miyembro mula sa kasalukuyang 12 porsiyento na sasagutin ng employer at employee.

Katumbas ito ng dagdag-hulog na P30 para sa mga sumasahod ng P3,000; P100 para sa mga sumasahod ng P10,000; P200 para sa mga sumasahod ng P20,000 at P850 para sa mga sumasahod ng P25,000 pataas.


Paliwanag ni Cruz, may basehan sa batas ang dagdag-kontribusyon at sa huli ay mas makabubuti para sa mga manggagawa.

Maliban dito, hindi rin maibibigay ng SSS ngayon ang ipinangakong P1,000 dagdag-pensiyon ng mga retirado.

Sa halip, inilunsad ng SSS ang bagong savings program na makatutulong sa mga miyembrong may sahod ng higit P20,000 pagsapit ng kaniyang retirement.

Facebook Comments