Para matiyak na may sapat na suplay na tubig sa matataas na lugar sa East Zone ng Metro Manila, nagkabit ang Manila Wayer ng may 64 line boosters ang mga kabahayan.
Ayon sa Manila Water, dahil sa dagdag na line boosters 98 percent ng kanilang mga customer ang makakatiyak na may sapat na suplay na tubig sa halos 8 oras na nasa ground floor level.
Ang line boosters ay ilan lamang sa mga technical solutions na ginawa ng kumpanya upang kahit ang matataas at malalayong lugar ay madaluyan ng suplay ng tubig.
Ang Line boosters ay mga pumps na ikinabit sa pipelines upang mapataas ang pressure ng tubig at makarating ang suplay sa malalayo at matataas na lugar .
Sa ngayon, may 24 line boosters na ang nainstala ng Manila Water sa Quezon City, 9 sa Taguig City, at 3 sa Mandaluyong City. Sa Rizal, ay may 14 sa Rodriguez, tig 3 sa San Mateo at Antipolo City, 2 sa Binangonan, at tig 1 sa Taytay and Angono., dagdag na 3 sa Pasig City at Rizal.
May mga takda pang ilagay na dagdag na line boosters sa mga susunod na araw sa QC at Antipolo City, Binangonan, at Rodriguez sa Rizal.
Upang higit pang mapataas ang suplay ng tubig sa mga customer, nagsasagawa din ang Manila Water ng valving at network adjustments, looping at interconnection ng lines gayundin ang tinaguriang after-the-meter rectifications.
As of May 8, naibaba na ng Manila Water ang supply deficit mula 150 Million liters kada araw sa 54 Million liters kada araw dahil sa operasyon ng Cardona Water Treatment Plant na nagsusuplay ng hanggang 50 MLD.
Ang dagdag na tubig ay mula sa mga rehabilitated deep wells na nagpo produce ng may 30 MLD at cross border flows na 16 MLD.