Iginiit ni Quezon 3rd District Rep. Reynan Arrogancia ang pagkakaroon ng dagdag na marine hatcheries upang matiyak na may sapat pa ring suplay ng isda sa panahon ng closed season.
Pahayag ito ni Arrogancia, makaraang i-anunsyo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Nobyembre ang pagsisimula ng closed season sa ilang bahagi ng bansa na siyang pangisdaan.
Ang closed season ay magbibigay pagkakataon sa mga isda na makapag repopulate na magtatagal hanggang February 15 ng susunod na taon.
Binanggit ni Arrogancia na batay sa datos ng BFAR, ay mayroong lamang 37 hatcheries at 39 na marine parks sa bansa.
Diin ni Arrogancia, kung magkakaroon ang Pilipinas ng sapat na marine hatchery ay hindi na natin kakailanganin pang umangkat ng isda mula sa ibang bansa.