Dagdag na mga pulis at paghihigpit sa mga sibilyan na magmay-ari ng baril, makakatulong sa paglaban sa krimen

Iminungkahi ni Senator Koko Pimentel na dagdagan pa ang mga pulis sa bansa at pag-ibayuhin din ang kanilang pagsasanay para epektibo nilang malabanan ang krimen.

Sabi pa ni Pimentel, makakatulong kung magkakaroon tayo ng Visiting Police Forces Agreement sa pwersa ng kapulisan ng ibang bansa na may mahusay na reputasyon.

Paliwanag ni Pimentel, dito ay higit na matututo ang ating Philippine National Police (PNP) kung paano labanan, resolbahin at pigilan ang mga krimen.


Ang suhestyon ni Pimentel ay kasunod ng ideya ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang mga sibilyan na anti-crime volunteers.

Giit ni Pimentel, para masawata ang krimen, sa halip na armasan, ay mas dapat na higpitan ang pagpapahintulot sa mga sibilyan na magmay-ari ng baril.

Facebook Comments