Tumanggap ng karagdagang 8,791 units ng Wi-Fi modem at prepaid SIM cards ang mga public elementary school teachers sa lungsod.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, bahagi pa rin ito ng suporta ng Local Government Unit (LGU) sa mga guro para sa distance learning at matiyak na kumpleto sila sa kagamitan sa pagtuturo sa mga mag-aaral.
Bukod pa rito, ang mga ipinamigay na mga photocopier machines sa lahat ng pampublikong paaralan.
Sunod ding pagkakalooban ng Wi-Fi modems at prepaid SIM cards na may laman nang P1,000 monthly load ang mga public high school teachers.
Pagtiyak pa ng alkalde na may ipamimigay pang 3,210 laptops ang LGU sa mga guro sa susunod na mga linggo.
Kung matatandaan, bago ang pasukan ng klase, una nang namigay ang LGU ng tablets, school materials, modules at hygiene kits sa mga public school students.