Dagdag na minimum wage, agad na pinasesertipikahan sa Pangulo

104

Manila, Philippines – Hinimok ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang Pangulong Duterte na i-certify bilang urgent ang pagpapasa sa panukala para sa dagdag na sahod ngayong Labor Day.

Sa Kamara ay nasa P750 pesos ang isinusulong na minimum wage para sa mga manggagawa sa buong bansa.

Hamon nito sa Pangulo, tuparin ang kanyang pangakong ihihinto ang exploitation sa mga
manggagawa.

Kumbinsido si Zarate na ang naturang halaga ang kailangan ng pamilyang pilipino para magkaroon ng disenteng buhay.

Giit ng kongresista, napakababa at napako na ang kasalukuyang minimum wage kaya naman hindi makaagapay ang mga manggagawa sa napakataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.

DZXL558

Facebook Comments