Wednesday, January 28, 2026

Dagdag na parusa kay Rep. Barzaga, isinulong sa Kamara

Iginiit ni Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano na muling patawan ng suspensyon si Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga para maturuan ng tamang aral.

Sa kanyang privilege speech sa plenary session ng Kamara ay inilahad ni Valeriano ang patuloy na pagpopost sa social media ni Barzaga ng paninira at pag-insulto sa ilang mambabatas habang sya ay 60-araw na suspendido.

Bunsod nito ay isinulong ni 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez muling magsagawa ng pagdinig ang House Committee on Ethics and Privileges para ipatawag si Barzaga at i-assess ang mga ginagawa nito sa panahon ng kanyang suspensyon.

Ang motion ni Gutierez ay inaprubahan naman sa plenaryo ng Kamara.

Facebook Comments