Dagdag na pasahod sa mga manggagawa, babanggitin raw sana ni PBBM sa kanyang SONA ayon sa Malacañang

Gusto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na banggitin sa kanyang nakaraang State of the Nation Address (SONA) ang may kinalaman sa wage hike pero may mga ilang dahilang ikinonsidera.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin sa isang panayam, hindi na lang tinalakay ng pangulo ang patungkol sa dagdag-sahod dahil baka maka-preempt lang ang mga inisyatibong naka-pending sa Kongreso.

Dagdag pa ni Bersamin siya ang nagsabi kay pangulo na huwag na itong banggitin lalo’t mahirap naman aniyang pangunahan ang anumang development na nagaganap sa hanay ng nasa lehislatura.


Paliwanag ng kalihim ang isyu ng wage hike ay maaaring ipadaan kasi sa kongreso habang maaari din itong mapag-usapan sa tripartite body.

Sinabi pa ni Bersamin na kung may nais man silang iisyung statement na may kinalaman sa ekonomiya at usapin para sa mg manggagawa, ito ay kanilang idinadaan sa LEDAC o Legislative-Executive Development Advisory Council.

Facebook Comments