Dagdag na Pasahod sa mga Manggagawa sa Region 2, Kinumpirma ni DOLE Secretary Bello!

203

Cauayan City, Isabela – Kinumpirma ni DOLE Secretary Silvestre Bebot Bello III na kanyang aaksyunan kaagad ang isinumiteng resulta ng deliberasyon ng wages order ng rehiyon dos.
Sa katunayan umano ay tanging region 2, NCR at Region IV-B ang nahuling nagsumite sa resulta ng wage order deliberation kung saan lahat na umano ng rehiyon sa buong bansa ay naaprubahan na ang dagdag na pasahod.

Inihayag pa ni Secretary Bello na walang rehiyon sa bansa ang nagreklamo ng sahod kung saan ay isa umanong motu propio ang wage hike at ito ay inirekomenda ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB.


Samanatala, sinigurado pa ni Secretary Bello na maaring sa kasalukuyang buwan lalabas ang desisyon ng wage hike dito sa rehiyon dos.

Facebook Comments