Saturday, April 11, 2026

Dagdag na petisyon sa Supreme Court kontra sa impeachment proceedings laban kay VP Duterte, walang bagong argumento

Para kay House Committee on Public Accounts Chairman at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, pagsasayang lang ng papel ang serye ng petisyon sa Supreme Court (SC) na humaharang sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Ridon, paulit-ulit lang at wala namang bagong argumento ang panibagong inihaing petisyon sa kataas-taasang hukuman sa pangunguna ng One Bangsamoro Movement (1Bangsa).

Sabi ni Ridon, dapat ibasura agad ng Korte Suprema ang naturang petisyon na pawang pagsawsaw lang sa isang kaso kung saan hindi naman sila talaga kasali.

Muli binigyang diin ni Ridon, na tuluy na tuloy sa April 14 ang impeachment proceedings laban kay VP Sara dahil wala namang inilalabas na Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema.

Facebook Comments