Dagdag na PNP Personnel na tinalaga noong election back to base na!

San Fernando, La Union – Balik na nga ng kampo sa San Fernando, La Union ang mga dagdag na tauhan ng PNP sa rehiyon uno na kabilang sa higit 7,000 na mga pulis na itinalaga sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon.

Sa isang seremonyang isinagawa ngayong araw sa Camp Brigade General Oscar M. Florendo sa Parian, City of San Fernando, La Union dakong 10:00 am ay ginawaran ng heroes welcome ang mga nasabing kapulisyahan at tinawag na heroes of election 2019 ng pamunuan ng PNP Regional Office 1.

Sa talumpati ni Police Brigade General Joel Orduña ang nagsisilbing Acting Regional Director ng Police Regional Office 1 pinasalamatan at binati nito ang mga balik kampo na mga kapulisan. Pinuri ni Orduña ang katatagan at kahusayan ng mga tauhan na na-deployed sa mga remote at isolated areas sa iba’t ibang parte ng rehiyon upang siguruhin ang kaligtasan ng mga nangangasiwa ng eleksyon gayundin ng mga VCMs at panatilihin ang kapayapaan.


Dagdag pa ni Orduña nasiguro ng hanay ng PNP katuwang ng Comelec, DepEd, at sa tulong ng AFP ang malinis, may kredibilidad na midterm election 2019 at dineklarang generally peaceful ang buong Ilocos Region ayon narin sa mga pinakahuling ulat na natanggap nila mula sa iba’t ibang lalawigan.

Photo credited to PNP PRO1

Facebook Comments