Manila, Philippines – Itinaas ng Department of Health sa isang bilyong piso ang budget ng ahensya ngayong 2018 na nakalaan para sa HIV.
Mas mataas kung ikukumpara sa 600 milyong piso noong 2017.
Ayon kay Health Undersecretary Herminigildo Valle, 92% sa budget na ito ay nakalaan sa medications kontra Human Immunodeficiency Virus o HIV.
Habang ang iba naman ay para sa patuloy na information dessimination at pagpo-promote ng HIV testing.
Ito ay bahagi pa rin ng kampaniya ng DOH na pabagalin o pahintuin ang pagtaas ng bilang ng mga naitatalang kaso ng HIV sa bansa.
Base sa pinakahuling tala ng DOH, ngayong Enero 2018, nasa 1,021 mga bagong kaso ng HIV ang naitala ng DOH, kung saan 40 sa mga ito ay mga kabataang nasa edad 10 hanggang 19 na taong gulang