Isinusulong ni Senator Sherwin Gatchalian na mabigyan ng sapat na pondo ang paglaban sa lahat ng uri ng human trafficking kasama na rito ang online sexual abuse or exploitation of children (OSAEC).
Sa pagdinig ng Senado sa 2023 budget ng Department of Justice (DOJ), napuna ng senador ang nabawasang pondo para sa “anti-trafficking in persons enforcement” sa ilalim ng 2023 National Expenditure Program (NEP).
Halos 35% ang itinapyas sa pondo sa pagsugpo ng human trafficking para sa susunod na taon o katumbas ng ₱59 million mula sa ₱90 million na budget ngayong 2022.
Inamin naman ni Justice Undersecretary Nicky Ty na posibleng makaapekto sa Tier 1 ranking ng Pilipinas sa Anti-Trafficking in Persons Report for 2022 ng United States Department ang ginawang pagtapyas sa pondo laban sa human trafficking.
Iginiit ni Gatchalian na nananatiling banta sa bansa at sa mga Pilipino ang human trafficking dahil sa nangyayari pa rin ito hanggang ngayon.