Dagdag na pondo para sa pension ng retired military personnel, inihirit ng DND sa Kamara

Humihirit ng dagdag na pondo para sa pension ng mga retired military personnel ang Department of National Defense (DND).

Sa ilalim ng panukalang 2022 budget ng DND, P75.53 billion o nasa 25% ng kabuuang budget ng ahensya ang nakalaan para sa military personnel’s pension.

Nasa P2.2 billion naman ang alokasyon para sa Pension and Gratuity Fund para sa mga Armed Forces of the Philippines (AFP) retirees at veterans.


Pero humihiling si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Kamara na mabigyan pa ng dagdag na P28.82 billion ang pension funds ng mga retiradong militar.

Ito ay para mabayaran na ang mga naiwang arrearages, differentials, at iba pang unfunded claims sa mga nakaraang taon.

Sa 2022 budget ng DND, P297.1 billion ang panukalang pondo ng ahensya, mas mataas ng 8% kumpara sa 2021 budget.

Pinakamalaking bahagi ng nasabing halaga ay naka-allocate sa Personnel Service na nasa P128.73 billion, Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) na nasa P53.770 billion at Capital Outlay na nasa P39.10 billion.

Facebook Comments