Dagdag na pondo para sa RITM at iba pang COVID response program ng Department of Health (DOH), ipinanawagan ng isang senador

Nanawagan si Senador Christopher ‘Bong’ Go na matugunan ang pagbawas ng panukalang pondo ng Research Institute of Tropical Medicine (RITM).

Ito ay matapos bumaba sa P223 million ang panukalang pondo ng RITM sa 2022, na mas mababa sa P393 million budget nito ngayong 2021.

Sa pagdinig ng senado sa panukalang 2022 budget ng DOH at mga attached agencies nito, sinabi ni Go na ang RITM ang pangunahing testing center ng bansa at mahalaga ang papel nito sa pagtugon sa umiiral na pandemya.


Habang hindi rin dapat bawasan ang pondo ng Epidemiology and Surveillance at ang Health Emergency Preparedness and Response programs ng DOH dahil ang mga ito ay direktang may kaugnayan sa pagtugon sa pandemya.

Bukod dito, nanawagan din ang senador ng dagdag na pondo para sa One Hospital Command Center (OHCC) na siyang umaalalay sa mga pasyente sa bansa.

Facebook Comments