Dagdag na power supply sa summer, pinatitiyak ng Senado

Pinatitiyak ni Senator Sherwin Gatchalian sa Department of Energy (DOE) ang dagdag na power supply sa pagsapit ng summer.

Inaatasan ni Gatchalian ang DOE na tiyaking ang inaasahang pagpasok ng dagdag na 1,196 megawatts ng power supply ay maibibigay sa unang kalahati ng taon upang maiwasan ang anumang power interruptions sa panahon ng tag-init.

Ayon kay Gatchalian, ang tuluy-tuloy na power supply ay mahalaga para sa pagpapanatili ng paglago ng ekonomiya ng bansa.


Dahil dito, dapat ay sinisiguro ng pamahalaan na makakamit ang kinakailangang additional requirement para sa pagkakaroon ng sapat na suplay ng kuryente.

Hinimok din ng senador ang DOE na tiyaking walang maintenance shutdown na mangyayari sa mga power plants sa mga panahon ng “peak months” upang maiwasan ang ‘red alert status’ na sanhi ng rotational brownouts.

Facebook Comments