Dagdag na pwersa ng AFP na magbibigay ng seguridad sa SONA, naka-stand by na

29

Manila, Philippines – Nakahanda na ang AFP na mag-deploy ng mga sundalo para sa seguridad sa State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 24.

Bagaman ang PNP ang lead agency, ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo, tutulong sila sa pagdedeploy ng dagdag na mga tauhan.

Pero ang PNP aniya ang bahalang magtalaga ng mga designated area para sa mga sundalong kanilang idadagdag.

Mayroon aniya silang main force na tutulong sa PNP habang mayroon ding reserve force na anumang oras at pangangailan ay kanilang idedeploy.

Sa ngayon, isa lamang aniya ang matitiyak ng AFP, handa sila sa anumang pagbanta sa seguridad.

Facebook Comments