Dagdag na pwersa ng pulis, idineploy sa Negros Occidental

Nagdagdag na ng mga naka-deploy na pulis ang Police Regional Office (PRO-6) sa Moises Padilla, Negros Occidental.

Ito ay matapos ang pagpatay kina Councilor Michael Garcia at sa tiyuhin nitong dating punong barangay na si Mark Garcia noong Huwebes.

Ayon kay Bacolod PRO-6 Director Brig. Gen. John Bulalacao, naniniwala siyang politically-motivated ang pag-ambush sa sasakyan ni Vice Mayor Ella Garcia Yulo nang armadong grupo.


Aniya, umaasa siyang hindi matatagalan matutukoy din ang mastermind sa ambush dahil mayroon na silang persons of interest sa insidente.

Mababatid na nasa red category ang Moises Padilla sa mga election hot spot areas ngayong nalalapit ang halalan kung saan ito dalawa ng incumbent councilors ang napapatay.

Facebook Comments