Dagdag na sahod sa mga manggagawa, dapat na balansehin ayon sa isang senador

Hinimok ni Senator JV Ejercito ang Kongreso na ibalanse ang isinusulong na dagdag na sahod para sa mga manggagawa.

Ayon kay Ejercito, dapat lamang maibigay sa mga manggagawa ang dagdag na sahod, ito man ay ang itinutulak ng Senado na P100 o ang P200 na bersyon naman ng Kamara.

Gayunman, mahalagang ikonsidera rin sa wage hike proposal na balanse ito at kayang maka-survive ng mga negosyo.

Kung kaya naman aniyang ibigay ang P200 na dagdag sahod, bakit hindi subalit kailangang timbangin din na hindi ito papatay sa mga maliliit na negosyo.

Facebook Comments