Dagdag na suplay ng bigas sa mga lugar na sinalanta ng mga bagyo, nagpapatuloy ayon sa NFA

Nagpalabas pa ng dagdag na bigas ang National Food Authority (NFA) para sa relief operations ng mga Local Government Units (LGUs) at iba pang government agencies na matinding sinalanta ng sunod-sunod na mga bagyo.

Muling nagsuplay ang NFA ng 400 bags ng bigas para kay Manila Representative Manny Lopez, 1,400 bags naman ang ipinagkaloob sa Caloocan City LGU at 110 bags sa PAGCOR.

May nauna nang kinuha ang LGU ng Caloocan City noon na 20 libong bags bilang dagdag sa kanilang relief operations efforts para sa mga sinalanta ng Bagyong Ulysses.


Tinitiyak din ng NFA na parati silang nakahanda at may sapat na supply sa panahon na nakakaranas ng kalamidad ang bansa.

Tinitiyak din ng mga warehouse supervisors at quality assurance officers na maganda ang kalidad ng bigas ang kanilang inilalabas para sa mga partners agencies.

Facebook Comments