Dagdag na suporta, ipagkakaloob ng DA sa seaweed industry upang maibalik ito sa top world spot

Tututukan ng Department of Agriculture (DA) ang local seaweed producers para maibalik ang katayuan ng Pilipinas bilang top export producers ng aquaculture resources.

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., naungusan na tayo ng Indonesia sa antas ng produksyon.

Noong 1990, ang Pilipinas ay nagluluwas ng 80 percent ng seaweed sa mundo habang 10 percent lang ang produksyon ng Indonesia.


Bunga umano ito ng limitadong suporta sa industriya, gaya ng kakulangan sa seedlings para sa mas malawak na tissue culture laboratories.

Malaking bahagi ng seaweed production ay nanggagaling sa Mindanao habang ang processing facilities ay nasa Cebu at Manila.

Ani Laurel, malaki ang oportunidad na makabawi ang Pilipinas dahil mayroon pang 85,000 hectares na hindi nagagamit na local seaweed industry area.

Facebook Comments