DAGDAG NA SUPPLY | Imported na bigas, darating na sa bansa

Manila, Philippines – Darating na sa bansa sa unang linggo ng Hunyo ang mga imported na bigas.

Ayon kay National Food Authority (NFA) Spokesman Rex Estoperez, mabibili ang mga imported rice sa merkado simula sa June 5 sa halagang ₱27 hanggang ₱32 kada kilo.

Balak ng NFA na punan muna ang stock ng bigas sa mga NFA outlet bago ayusin ang bufferstock.


Matatandaang kamakailan lang, sinabi ng NFA na nasasaid na ang stock ng NFA rice sa bansa.

Facebook Comments