Dagdag na supply ng COVID-19 vaccines, darating sa Pilipinas

Nasa isang milyong doses ng COVID-19 vaccines mula sa Sinovac Biotech ng China ang inaasahang darating sa bansa ngayong buwan.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, nasa 500,000 doses ng CoronaVac vaccines ang darating sa Huwebes, April 22 at ang isa pang batch na 500,000 doses ay darating naman sa April 29.

Mayroong 20,000 initial doses ng Sputnik V vaccines ng Gamaleya a ng darating din sa bansa.


Sa katapusan din ng Abril inaasahang darating ang 194,000 doses ng Pfizer vaccines.

Sa Mayo, karagdagang 2.5 million doses ng Sinovac vaccines ang darating sa bansa.

Sa susunod na buwan o sa Hunyo ang dating ng karagdagang AstraZeneca doses mula sa COVAX Facility.

Facebook Comments