Dumating na sa MRT-3 depot ang karagdagang supply ng mga mechanical spare parts ng tren, kabilang dito ang mga axle bearing at axle hub na bahagi ng wheel assembly.
Ang railway wheel, kasama ang axle, ay sumusuporta sa bigat ng mga bagon at mahalaga sa ligtas na operasyon at pagtakbo ng mga tren sa linya.
Bahagi pa rin ito ng upgrading ng mga equipment ng tren ng malawakang rehabilitasyon ng MRT-3.
Sa ngayon ay nakapag-deploy na na ng 32 newly-overhauled na bagon sa linya.
Mayroong 65 operational na bagon sa MRT-3.
Facebook Comments