DAGDAG NA SUPPLY | Pilipinas, planong mag-angkat ng langis sa Russia

Manila, Philippines – Plano ng gobyerno na mag-angkat ng 240 milyong litro ng diesel mula Russia para maibsan ang tumataas na presyo ng produktong petrolyo.

Ito ay proposal ng Philippine National Oil Company – Exploration Corporation (PNOC-EC).

Ayon kay Department of Energy Undersecretary Felix William Fuentebella, mayroon pa kasing problema sa Syria, Iran at iba pang miyembro ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC).


Aminado si Fuentebella, na hindi sapat ang Russian diesel para lubusang hilaing pababa ang presyo ng diesel.

Ani Fuentebella, magtatagal lamang ng tatlong araw kapag kinonsumo ang aangkating diesel sa Russia.

Bukod sa Russia, tinitingnan din ng gobyerno na mag-import ng langis sa Thailand at Saudi Arabia.

Facebook Comments