Nilagdaan na bilang batas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Value Added Tax (VAT) o karagdagang batas para sa digital services.
Sa bisa ng RA No. 12023, bubuwisan na ang mga digital services tulad ng Netflix, Google, at marketplace online, tulad ng ginagawa sa mga tradisyunal na negosyo.
Sa ilalim ng batas, inaasahang mamakolekta ang gobyerno ng P7.25-B sa 2025 habang posible namang umabot sa P21-B hanggang P26.27-B ang buwis na makokolekta sa mga susunod na taon hanggang 2029.
Ayon kay Pangulong Marcos, malaki rin ang mga maitutulong nito sa kita ng creative talents para mabuhay sa industiya, tulad ng mga gumagawa ng musika at pelikula sa digital space.
Facebook Comments