Dagdag na tulong sa MIMAROPA na lubos ding sinalanta ng Bagyong Tino, tiniyak ng isang senador

Isusulong ni Senator Erwin Tulfo ang pagbibigay ng dagdag na tulong sa mga kababayan niya sa MIMAROPA region na kabilang sa sinalanta rin ng bagyong Tino.

Kaugnay nito ay namahagi si Tulfo ng bigas at iba pang pangangailangan sa humigit-kumulang 1,000 pamilya na apektado ng nagdaang kalamidad sa Langogan, Puerto Princesa na apektado ng nagdaang bagyo.

Dagdag pa ito sa naunang ipinamahagi na pinansyal na tulong sa mga munisipalidad ng Palawan sa Roxas, Agutaya, Araceli at Coron.

Isinabay na rin ng senador ang pagdalaw sa Western Command (WESCOM) sa Palawan para iparating ang pagtutulak niya sa Senado ng dagdag na pondo para sa pagpapaunlad ng imprastraktura at maintenance ng military hospital.

Bukod dito ay isinusulong din ni Sen. Erwin ang pagkakaloob ng mga programa sa rehiyon tulad ng medical, financial, burial, legal assistance at iba pa.

Facebook Comments