Benguet, Philippines – Sa Inter Agency Task Force meeting noong lunes, isang proposal ang inihain ni Governor Melchor Diclas para sa pagpapatayo ng dagdag na mga Vegetable Processing Facilities sa limang munisipalidad ng Benguet; Mankayan, Buguias, Kabayan, Kibungan, at Bakun kung magiging matagumpay ang kunstruksyon at mabisa ang processing facility sa Benguet State University (BSU).
Isa din sa tinitingnan at uunahin nila ang konstruksyon sa BSU sa Buguias pag natapos ang pagpapatayo ng processing facility sa BSU La trinidad ngunit nakadepende pa din ang plano sa pagpopondo ng Department of Agriculture (DA) sa pagpapatayo ng karagadagang pasilidad.
Matatandaan na nagbigay ng inisyal na pondo si Secretary William Dar ng DA, na 20 milyong piso para sa pagsasagawa ng processing facility sa BSU, sa tulong ng Bureau of Agricultural Research (BAR).