Dagdag P1.00 Pasahe sa Tricycle sa Tuguegarao City, Aprubado

Cauayan City, Isabela-Aprubado na sa 129th Regular Session ng 8th City Council ang inihaing petisyon ng Federation of Tricycle Operators Drivers Association (FETODA) na dagdag pisong (P1.00) pasahe sa mga pampublikong traysikel sa lungsod ng Tuguegarao.

Ito ay tugon sa harap ng patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo mula sa pandaigdigang merkado.

Pansamantalang itinaas ang pisong (P1.00) dagdag-pasahe makaraang hilingin ito ng samahan ng mga tsuper sa lungsod ngunit isasapinal pa ito ng konseho para naman sa diskwento ng mga mag-aaral, senior citizen maging ang mga kabilang sa Persons with Disability (PWD) na nakasaad sa City Ordinance No.26-05-2022 na pirmado ni Mayor Jefferson Soriano.

Pag-uusapan pa rin sa isasagawang public hearing sa linggo, March 20,2022 para sa tuluyang pagtaas ng pamasahe sa lungsod.

Samantala, inaprubahan sa konseho ang pagpapalawig sa renewal ng tricycle franchise bilang pagbigay daan sa mga higit na naapektuhan na tricycle drivers ngayong pandemya.

Facebook Comments