DAGDAG | P2P routes naman mula Cavite patungong Makati, ilulunsad

Manila, Philippines – Ilulunsad ng Department of Transportation (DOTr) sa
ikalawang kwarter ng taon ang karagdagang Point-to-Point (p2p) routes.

Ang mga bagong P2P routes ay magkokonekta sa mga lungsod ng Bacoor, Imus at
Dasmariñas, Cavite patungong Makati City.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Transport Mark Richmund De
Leon, layunin nitong guminhawa ang biyahe ng mga pasahero at mapagaan ang
trapiko.


Ipinakikilala din ng ahensya ang konseptong ‘park and ride’ at ‘kiss and
ride’.

‘Park and ride’ ay para sa mga car owners na maaring iwanan at iparada ang
kanilang mga sasakyan sa mall ay sumakay ng P2P bus patungo sa kanilang
destinasyon.

‘Kiss and ride’ naman para sa mga ihahatid ang kanilang mga anak o mahal sa
buhay sa terminal bago sumakay ng premium bus.

Ang P2P service ay iniiwasan ang malimit na paghinto, kung saan ang mga bus
ay deretso lang ang biyahe mula sa terminal hanggang sa target na drop off
points.

Facebook Comments