Manila, Philippines – Nagbanta ang isang commuters group na maghahain ng petition for fare reduction sa tanggapan ng LTFRB para ipatigil ang dalawang pisong taas-pasahe sa jeepney at pampasaherong bus.
Ito ay sa gitna ng kalituhang dulot ng fare increase na inaprubahan ng LTFRB board.
Ayon kay Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) Board chair Atty. Ariel Inton, moto propio ay maari agad itong harangin ng Department of Transportation (DOTr) para sa kapakanan ng mga mananakay sa bansa.
Hindi aniya sapat ang kautusan na i-review lamang ng LTFRB ang desisyon bagkus ay sinabayan ito ng mas mabigat na paninindigang huwag itong maipatupad.
Ayon pa sa LCSP, mula nang mapirmahan ang petition for fare increase mahigit limang piso na ang ibinababa ng diesel at gasolina na siyang gamit na batayan sa pagpayag ng regulatory board.
Sa ngayon ay mayroon nang ilang mga tsuper ng jeepney at UV express ang naniningil ng dagdag na dalawang pisong pamasahe bagaman at wala pang fare matrix na sinimulang ipamigay ng LTFRB mula noong November 2.