Manila, Philippines – Humihirit ngayon sa LTFRB ang Philippine National Taxi Operators Association o PNTOA para sa 50 pesos na dagdag sa flag down rate sa taxi.
Ginawa ng PNTOA ang kahilingan dahil sa napipintong epekto ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrokyo dulot ng tax reform law.
Ayon kay PNTOA Chair Bong Suntay, wala na halos kikitain ang mga taxi drayber.
Ito ay kahit nauna nang naglabas ng desisyon ang LTFRB na itaas ang singil ng pamasahe sa mga taxi kung saan nasa 40 pesos na ang flagdown, at nasa 13.50 pesos na ang singil sa kada kilometro at 2 piso naman sa kada minuto ng waiting time.
Hindi pa rin aniya ito naiimplementa dahil hindi pa nacacalibrate ang taxi meters.
Ayon kay Suntay, hindi baba sa apatnaput dalawang libong mga taxi draybers sa buong bansa ang mawawalan halos ng kita kapag hindi muli magtaas ng pasahe sa taxi.
Ayon naman ni LTFRB spokesperson Atty. Aileen Lizada, wala pang natatanggap na petisyon ang ahensya hinggil sa hiling na taas pasahe.
Kung sakali mang hihirit muli ang taxi groups, dapat patunayan mula nilang tataas din at gaganda ang kalidad ng serbisyo nila sa mga commuter.
Kailangan muna ring aniyang pakinggan muna ang panig ng commuter groups bago ito desisyunan ng LTFRB.