Muling nananawagan ang mga jeepney driver sa Dagupan City ng taas pasahe matapos muling tumaas ang presyo ng krudo noong Martes, Abril 7, dahil sa kawalan ng kita.
Pumapalo na ng halos 170 pesos per liter ang diesel sa lungsod na itinuturing na panibagong suliranin sa mga tsuper.
Ayon sa mga local oil companies, umaabot sa halos ₱17 hanggang ₱18 kada litro ang dagdag-presyo sa diesel na mas mataas kaysa sa pagtaas noong nakaraang linggo, kung saan ₱4.50 hanggang ₱12.90 lang ang dagdag sa diesel.
Sa panayam ng IFM News Dagupan, ang dating tinatayang P1000 ay nasa P200 nalang o mababa pa ang tinutubo ni Mang Jong Mariñas, na 20 taon ng jeepney driver.
Aniya, nagmamagandang loob na lamang ang karamihan sa kanyang mga pasahero na dinaragdagan ang pamasahe dahil sa dinaranas na krisis sa krudo.
Inaasahan umano nilang mas lalaki pa ang kanilang gagastusin sa krudo nitong linggo kasabay ng pagliit ng kita.
Kaugnay nito, matapos ang limang linggong sunud-sunod na pagsirit ng presyo ng langis sa bansa,ay kasabay ring nananawagan ang mga jeepney drivers na madagdagan rin ang Presyo ng pamasahe. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










