DAGDAG-PASAHE | LTFRB, umaapela sa mga jeepney drivers na wag muna maningil ng P9

Manila, Philippines – Nagbabala ang LTFRB laban sa mga driver ng jeepney na maari silang maharap sa reklamong overcharging kapag ipinilit na mangil na ng nueve pesos kahit wala pang inilalabas na order sa one peso provisional fare increase.

Ginawa ng LTFRB ang babala kasunod ng paniningil na ng ilang driver ng nueve pesos mula sa dating otso pesos.

Tahimik naman si Chairman Delgra sa puna na mas nauna ang pag anunsyo ng ahensya kaysa sa paglalabas ng official na desisyon kaya nagkaroon ng kalituhan.


Tanging si Atty. Aileen Lizada na lamang ang hindi nakapirma sa order inaantay para ito maipalabas

Ayon kay LTFRB Board member Aileen Lizada, sinusuri pa nila ang ilang datos partikular ang mga posisyon ng NEDA at DTI

Sa ilalim ng LTFRB Law, sinumang tsuper ng Public Utility Vehicle (PUV) na maniningil ng sobra sa itinakda ng ahensya ay pagmumultahin ng ₱5,000 sa unang paglabag, ₱10,000 sa second time violator habang ₱15,000 bukod pa sa kanselasyon ng prangkisa kapag patuloy na naging pasaway at maniningil ng higit pa sa itinatakda ng batas ang isang driver.

Facebook Comments