Dagdag-pasahe ngayong taon, pinag-aaralan na ng PNR dahil sa epekto ng fuel excise tax

Manila, Philippines – Pinag-aaralan na rin ng Philippine National Railways (PNR) na magpatupad ng taas-pasahe ngayong 2019.

Ito ay para matugunan ang gastos sa kanilang operasyon at maintenance.

Sapul din kasi ang PNR sa 2nd tranche ng fuel excise tax dahil diesel din ang nagpapatakbo sa kanilang mga tren.


Ayon kay PNR General Manager Jun Magno – may nagawa nang fare matrix ang kanilang planning team.

Facebook Comments