DAGDAG PASAHE | P12 minimum fare sa mga pampasaherong jeep, inihirit

Manila, Philippines – Nakatakdang humirit ang mga transport group na gawing P12 na ang pamasahe sa pampasaherong jeep bunsod ng ika-pitong price hike.

Ayon kay Zenaida Maranan, presidente ng Fejodap, pasensyahan na pero panahon na para gawing P12 mula sa kasalukyang P9 ang minimum na pasahe sa jeep.

Tiniyak naman ni Roberto Martin, pangulo ng Pasang Masda, na nakahanda ang kanilang grupo na maghain ng petisyon na magbawas sa singil sa pasahe kung bababa ang presyo ng diesel.


Facebook Comments