Hiling ng ilang motorboat drivers at operators ang dagdag pasahe sa mga pasahero ng Brgy. Island partikular sa Brgy. Salapingao sa lungsod ng Dagupan.
Ang hinaing ay bunsod ng hindi pa rin stable na presyo ng mga produktong petrolyo.
Hindi naman ito sinang-ayunan ng mga pasahero sa nasabing island barangay sa isinagawang dayalogo lalo na at nagtataas na rin umano ang iba’t-ibang mga bilihin.
Alternatibong paraan naman na nakikita ng mga bangkero ay ang nagdadagdag na lamang ang mga ito ng isa hanggang dalawang pasahero.
Sa Brgy. Calmay naman, hindi pa rin lifted ang bagong fare matrix na naipatupad simula nang nag-umpisa ang pandemya na walong pasahero lamang ang kakargahin ng isang motorboat at bente pesos kada tao ang bayad, kaya’t kapag sumusobra ng higit sa dalawa ang bilang ng mga pasahero ay pinapababaan din ang pamasahe.
Dahil ayon sa naimplementang fare matrix, walo lamang dapat ang bilang ng pasahero ng isang motorboat.
Sagot naman ng ilang bangkero na hindi umano ito overloading dahil standard capacity naman daw ay 15 sitting.
Samantala, ukol naman sa kaligtasan ng mga pasahero, siniguro ng mga motorboat drivers at operators na nag cocomply ang mga ito sa policy at guidelines na ipinapatupad. |ifmnews
Facebook Comments