Dagdag pasahe sa PUJ, napapanahon na ayon sa ilang mga transport group

Manila, Philippines – Naniniwala si Pasang Masda President Obet Martin na napapanahon na para magtaas sila ng 2 piso pasahe sa jeep dahil sa mga nagsisitaasang mga pangunahing bilihin at presyo ng langis.

Ayon kay Martin hirap na hirap na umano ang mga driver at operator ng jeep sa mga sunod sunod na pagtataasan ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin sa bansa.

Ganito rin ang pananaw ni PEJODAF President Zeny Maranan dahil matagal na silang hindi nagtaas ng pamasahe sa jeep at nagsisitaasan na umano ang presyo ng mga spare parts ng kanilang mga sasakyan.


Nilinaw ng National Center for Commuter Safety and Protection (NCCSP) na naiintindihan nila ang hirap ng mga driver ng mga pampublikong sasakyan lalo’t sunod sunod ang nangyaring pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo.

Gayunpman, ayon kay Elvira Medina, Presidente ng NCCSP, intindihin rin sana ng transport group na mabigat ang dalawang pisong dagdag pasahe para sa mga commuter.

Mungkahi ngayon ni Medina, ipako na muna sa piso ang dagdag pasahe sa kasalukuyan at saka na lamang magkaroong ng karagdagan pang piso, kapag naipatupad na ang modernisasyon sa mga jeep.

Facebook Comments