DAGDAG PASAHE | Uber, humirit na rin

Manila, Philippines – Humirit na rin ng dagdag pasahe ang transport network vehicle service na Uber.

Sa inihaing petisyon ng Uber sa Land Transportation Franchising And Regulatory Board, hiniling nito na mula P5.70 kada kilometro para sa Uber X ay gawin itong siyam hanggang labing dalawang piso kada-kilometro depende sa oras ng biyahe.

Mananatili naman sa P40 ang kanilang base fare at dalawang piso kada-minutong singil.


Paliwanag ng pamunuan ng Uber, bukod sa tumaas na ang presyo ng mga produktong petrolyo ay tataas din kasi ang gastusin sa maintenance ng mga sasakyan at tiyak na maaapektuhan nito ang kita ng kanilang mga driver.

Una nang nagsumite ang Grab Philippines ng kanilang petisyon para sa dagdag pasahe sa LTFRB.

Facebook Comments