Dagdag-pensiyon sa mga war veterans, kinakailangan nang ayusin ayon kay PBBM

Bilang bahagi ng pagkilala sa naging kontribusyon ng mga ito para sa Kalayaan ng bansa, binigyan diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na dapat maayos na ang additional pension ng mga beterano.

Sa ambush interview sa pangulo sa Mt. Samat National Shrine sa Pilar, Bataan, sinabi nitong kailangan gumawa na ng mga hakbang para ayusin ang pension ng mga war veteran lalo na’t kakaunti na lang ang natitirang mga beterano.

Ayon sa pangulo, mula sa dating 5,000 ay nasa halos higit 1,000 na lamang ito.


Kaya dapat lang ayon sa presidente na kupkupin ang nalalabing mga beteranong nakipaglaban alang- alang sa kalayaan ng mga Pilipino.

Sa ngayon ay nananatiling nakabinbin ang panukalang batas para sa additional pension ng mga war veteran na batay sa impormasyon mula Philippine Veterans Affairs Office ay nasa 25 taon nang hindi umuusad.

Facebook Comments