MANILA – Ngayong Disyembre o sa Enero ng susunod na taon posibleng maibigay ang dagdag pensyon sa Social Security System o SSS.Pero, isang libo muna ang maibibigay sa halip na dalawang libo gaya ng isinusulong sa kongreso.Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, bago ang Christmas break ng kongreso bukas (December 14) inaasahang maaprubahan na ang joint resolution ng senado at kamara para sa dagdag pensyon.Any, humihirit pa ang SSS ng mas matagal na panahon bago ibigay ang pangalawang bagsak ng dagdag sa pensyon sa pangambang maubos ang pondo nila.
Facebook Comments