Malaki na raw ang pisong dagdag singil sa pasahe ngayon alinsunod sa pag-implementa nito lamang October 8 ng provisional fare increase sa mga pampasaherong sasakyan, ayon ‘yan sa mga commuters sa lalawigan ng Pangasinan.
Nagtataasan na raw ang mga bilihin ngayon sa merkado kaya naman ang piso ay malaking halaga na para sa kanila.
Ikinatuwa pa ng mga ito na mabuti na lang daw at piso lamang ang inaprubahang dagdag pasahe kumpara sa hinihiling ng mga transport group na limang pisong taas sa pamasahe.
Panawagan din ng mga ito na sana umano ay hindi na muling madagdagan pa ang minimum fare increase lalo na at may mga nagaganap nang rollback sa presyo ng mga krudo at onti-onti ay makakabawi rin umano ang mga operators ng mga Public Utility Vehicles o PUV.
Samantala, sa kasalukuyan ang mangilan-ngilan lamang na mga PUV operators ang nagdeklara na ng dagdag piso sa kanilang mga minamanehong pampasaherong sasakyan at nananatiling halos sa mga ito ay basehan pa rin ang dating minimum fare increase. |ifmnews
Facebook Comments