Dagdag pisong singil sa pasahe tuwing rush hour, iaapela ng isang transport group sa gitna ng patuloy na pagtaas ng oil products

Hihirit ang grupong Pasang Masda sa pamahalaan ng surge fee sa gitna ng inaasahang bagong taas-singil sa oil products ngayong linggo.

Ayon kay Pasang Masda National President Ka Obet Martin, hihilingin nila na payagan silang makapaningil ng pisong dagdag singil tuwing rush hour.

Sa pamamagitan nito aniya, hindi na nila kailangang umapela pa ng panibagong fare petition sa LTFRB.


Facebook Comments