DAGDAG PONDO │PNP, hihiling ng supplemental budget para sa war on drugs

Manila, Philippines – Hihiling na lamang daw ang Philippine National Police na karagdagang pondo o supplemental budget para sa war on drugs ng pamahalaan sakaling muli nila itong pangunahan.

Ito ay matapos na magdesisyon na ang senado na ilipat na lamang sa pabahay ng mga pulis at sundalo ang 900 milyong pisong pondo sana sa war on drugs para sa susunod na taon.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt Dionardo Carlos mahirap para sa kanilang ikasa ang war on drugs kung walang pondo lalot ang kampanyang ito ay may kinalaman sa peace and order sa bansa.


Magkagayunpaman nagpapasalamat pa rin sila sa senado at kongreso dahil iniisip ang kapakanan ng mga pulis at sundalo sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo para sa pabahay.

Facebook Comments