DAGDAG PONDO | Chalk allowance ng mga guro, tataasan

Manila, Philippines – Tataas ng isang libong piso ang “chalk allowance” ng mga guro.

Ayon kay Education Undersecretary Tonisito Umali, simula sa susunod na taon ang dating P2,500 na chalk allowance ng mga guro ay magiging P3,500 na.

Aniya, ang DepEd ay makakatanggap ng P691.1 bilyong pondo sa 2018 at nakapaloob na dito ang dagdag na allowance ng mga guro.


Kasabay nito, tiniyak ni Umali sa mga guro na patuloy silang maghahanap ng solusyon sa ilang suliranin na kinakaharap sa mga publikong paaralan sa bansa.

Facebook Comments